Patay ang isang lalaking rider matapos salpukin ng dump truck sa Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Paul Allan Infante, rider ng Honda motorcycle na may mv file number 1801-0186342.
Agad namang naaresto ng Quezon City Police ang suspek na si Jaris Pabatang, driver ng Shacman dump truck na may plakang NEJ 1041.
Ayon sa QCPD – Traffic Sector 5, naganap ang aksidente sa kanto ng Commonwealth Avenue at masaya street sa Barangay San Vicente.
Natumba umano ang biktima bago nagulungan ang ulo nito ng truck. — sa panulat ni Drew Nacino.