Patay ang isang rider nang tumilapon ang minamanehong motorsiklo matapos mahagip ang isang asong bigla na lamang tumawid sa Infanta, Quezon.
Kinilala ang biktima na si John Vincent Cuento na pauwi na ng mangyari ang insidente.
Ayon kay Police Major Fernando Credo, hepe ng Infanta Police Station, maaari aniyang nawalan ito ng balanse matapos ang malakas na pagkakapreno.
Naisugod pa umano ito sa ospital bago tuluyang binawian ng buhay.
Samantala, bagama’t may suot na helmet ang biktima ay hindi ito nakaligtas sa tinamong pinsala sa katawan at sa ulo. —mula sa panulat ni Hannah Oledan