Patay ang 31 anyos na rider matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang sasakyan sa Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Sambrod Guintawan.
Batay sa imbestigasyon, tumilapon ang biktima nang sumalpok ang sinasakyang motor sa kasalubong na kotse sa Barangay Poblacion, Pikit.
Nagtamo si Guintawan ng bali at sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho