Patay ang isang motorcycle rider matapos mahagip ng isang container truck sa Sumulong Highway, Antipolo City.
Sa impormasyon ng mga otoridad, binabaybay ng nasabing truck na may plakang NGS 4583 ang direksiyong patungong Marcos Highway sa Marikina nang mawalan ng kontrol ang truck.
Dito na bumangga sa mga poste at mga sasakyang nakaparada ang truck at nahagip ang rider kasama ang iba pang mga sasakyan.
Ayon sa mga otoridad, posibleng nawalan ng balanse ang truck dahil sa mabigat na karga nito habang pababa ng kalsada.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naganap na aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero