Patay ang isang rider makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiķlo sa concrete barrier sa Commonwealth Ave. Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Mark Manlangit, 32-anyos, residente ng Bagong Silang Caloocan City.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungo sanang Northbound Lane sakay ng isang Suzuki Smash Motorcycle na may plate number 170 NQP ang biktima habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue ay nawalan ng kontrol ang manibela ni Manlangit sa harap ng Commission on Audit (COA) sa Barangay Batasan Hills ng nabanggit na lungsod.
Dito na sumalpok sa sementong barrier ang biktima, dahilan para agad itong isugod sa ospital, pero idineklara ding dead-on-arrival ng sumuring doktor.
Ayon kay District Traffic Sector 5 ng QCPD investigator PCPL Jess Domigan, sa lakas ng impak ng sasakyan, tumilapon ang biktima kung saan nagtamo ito ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Sa ngayon, kinolekta na ng MMDA at Quezon City Police District ang motorsiklo ng biktima para sa kaukulang disposisyon.