Idineklarang unconstitutional o labag sa saligang batas ayon sa Court of Appeals ang kontrobersiyal na “riding-in-tandem” ordinance ng Mandaluyong City.
Batay sa desisyon ng appellate court, pinaboran nito ang petisyon ni Atty. Dino De Leon na kumukuwestiyon sa ordinansa ng mandaluyong lgu na nagpapataw ng P3K multa o kaya’y tatlong buwang pagkakakulong o pareho sa mga lalaking magka-angkas sa motorsiklo.
Ngunit inilarawan ng CA na oppressive o isang uri ng diskriminasyon ang pagbabawal sa mga lalaki na umangkas sa motorsiklo, gayong hindi naman nakasaad sa mga datos na ang mga riding criminals ay pawang mga lalaki.
Una rito, dumulog sa CA si De Leon matapos pagmultahin at umabot pa sa korte ang kanyang kaso dahil sa paglabag sa riding-in-tandem ordinance.
Samantala, pinasasauli din ng korte ang mga nakolektang multa ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.—ulat sa panulat ni Hya Ludivico