Huwag pagkaitang makaboto ang mga botante.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon kasunod ng ginawang pagkuwestiyon sa “no bio, no boto policy” ng Commission on Elections o COMELEC sa Korte Suprema.
Ayon kay Ridon, hindi dapat alisan ng karapatan ang milyun-milyong registered voters na bumoto sa susunod na taon dahil lamang sa kawalan ng biometrics data.
Giit pa ng mambabatas, labag sa Saligang Batas ang naturang polisiya ng COMELEC.
“Ang panawagan namin ay ibasura na itong no bio no boto ng Commission on Elections kasi ang tingin namin ay wala po itong constitutional basis.” Pahayag ni Ridon.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita