Suportado ni dating Presidential Commission on Urban Poor Chairman at dating Kabataan Representative Terry Ridon si CNN Hero Efren Peñaflorida sakaling ito ang pumalit sa kanya sa puwesto.
Ayon kay Ridon, ikinatuwa ng buong PCUP ang pagkonsidera ni Pangulong Duterte kay Peñaflorida para pamunuan ang naturang komisyon.
Matatandaang pinahahanap na ni Pangulong Duterte si Peñaflorida matapos sibakin ang mga opisyal ng PCUP dahil sa umano’y katiwalian.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Palasyo ang sagot ni Peñaflorida kung tatanggapin ang alok na posisyon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque bagamat inihayag ng Pangulo ang kagustuhang italaga si Peñaflorida sa PCUP, kailangan pa ring dumaan sa proseso ang appointment nito.
“Nothing is certain at this point. Everything has to go through a process. The other party has yet to give a response. Both parties also need to personally discuss and thresh out expectations to the job and/or position. Presidential appointments, as we know, fall under the exclusive prerogative of the President,” Ani Roque sa isang pahayag
Si Peñaflorida ay nakilala sa kanyang pagsisikap na maturuan at mabigyan ng edukasyon ang mga batang lansangan sa Maynila sa pamamagitan ng kanyang ‘Kariton classroom’.
Taong 2009 nang tumanggap si Peñaflorida ng CNN Hero of the Year award.
—-