Ipinanawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Kamara na gawing prayoridad ang pagpasa sa National Government Rightsizing Program at tax reform measures.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na makatutulong ang rightsizing para pagbutihin ang institutional capacity ng gobyerno upang magawa nito ang mandato at makapaghatid ng mas magandang serbisyo habang tinitiyak ang epektibong paggamit ng resources.
Kaugnay naman sa tax reforms, itinutulak ni PBBM ang valuation reform bill na magtatakda ng real property values at valuation standards sa buong bansa at ang real property information system na magsisilbing database ng lahat ng real property transactions at declarations.
Samantala, isinusulong din ni Marcos ang pagpasa sa passive income and financial intermediary taxation act na magpapadali sa revenue neutral tax system ng financial sector.