Nagsagawa ng rigodon sa liderato ng Kamara ilang araw bago ang election break ng Kongreso.
Papalitan ni Capiz Representative Fred Castro bilang majority leader si Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr na magiging chairman naman ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Castro, ang pagpalit niya kay Andaya ay kanilang napagkasunduan noong maupo ang bagong liderato ng Kamara matapos mapatalsik si dating speaker Pantaleon Alvarez.
Samantala, pormal naman itong ia-anunsyo ng plenaryo ng Kongreso ngayong hapon.