Isa pang milestone ang nakamit ng singer na si Rihanna matapos itanghal na youngest female self-made billionaire.
Lumapag sa ika-21 pwesto ang singer sa 2022 list ng Forbes na pinamagatang “America’s Richest Self-Made Women.”
Mayroong net worth si Rihanna na 1.4 billion dollars o katumbas ng 77.91 billion pesos.
Dahil sa nangyari, naagaw na ni Rihanna ang title mula sa model na si Kylie Jenner.
Si Rihanna ang pinakabatang babae sa Estados Unidos na nakapasok sa listahan ng mga bilyonaryo sa edad lamang na 34.