Tinutulugan ng Korte Suprema ang petisyon laban sa taas-pasahe sa MRT at LRT at gayundin sa PPP o Public-Private Partnership.
Binigyang diin ni Sammy Malunes, tagapagsalita ng Riles Network, na ito’y dahil wala pa ring desisyon sa reklamo nila laban sa fare hike mula sa minimum na P15 hanggang P25 na pasahe.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Malunes na ang pribadong korporasyon lamang ang nakikinabang sa taas-pasahe at hindi ang mga mananakay.
“Dapat nilang tignan ang involve dito sa PPP ay buong mamamayang Pilipino ang nagagatasan ng mga pribado at ganundin sa fare increase, 1.3 million araw-araw ang ginagatasan ng mga private concessionaire na ito na wala naman tayong nakitang improvement ng kanilang serbisyo.” Ani Malunes.
By Jelbert Perdez | Karambola