Nakatakdang masaksihan mamayang hapon ang tinaguriang ring of fire eclipse o annular solar eclipse.
Ayon sa PAGASA, nangyayari ang annular solar eclipse kapag ang buwan ay nasa pinakamalayong distansya nito sa mundo.
Natatakpan ng buong buwan ang sentro ng araw kaya’t naiiwan ang outer edges kasunod nang pagbuo ng ring of fire o annulus.
Sinabi ng PAGASA na higit na makikita ang eclipse sa Balut at Batulaki sa Sarangani sa Davao Occidental, samantalang partial eclipse lamang ang masasaksihan sa ibang bahagi ng bansa tulad ng Maynila; Quezon City; Aparri, Cagayan; Laoag, Ilocos Norte; Legazpi City, Albay; Puerto Princesa City; Palawan; Mactan, Cebu at General Santos City.
Makikita ang eclipse sa Maynila –alas-12:32 ng hapon hanggang alas-3:47 ng hapon at sa Mactan, Cebu –alas-12:40 hanggang ala-3:54.
Ipinabatid pa ng PAGASA na malaki ang posibilidad na makaapekto ang maulap na kalangitang dala ng Bagyong ‘Ursula’ para hindi makita ang eclipse.
Masasaksihan naman sa June 21, 2020 ang isang annular solar eclipse.