Walang pangangailangan para ikansela ang Rio Olympics na nakatakdang idaos ngayong Agosto sa kabila ng banta ng zika virus.
Ayon sa International Olympic Committee, mahigpit nilang minomonitor ang sitwasyon sa Brazil upang matiyak ang kaligtasan ng mga lalahok na atleta mula sa ibat ibang bansa.
Nanindigan ang IOC na wala nang atrasan pa ang pagdaraos ng Olympics sa Rio de Janeiro.
Una rito, umapela ang Canadian Health Professor na si Amir Attaran na ipagpaliban o ilipat ng ibang petsa ang 2016 Olympics.
Ito ay dahil sa unfair para sa mga bansang Nigeria, India at Indonesia na ipagpatuloy ang Rio Olympics dahil wala aniyang resources ang mga ito na labanan ang zika virus.
By Ralph Obina