Hindi nababahala ang Spanish tennis stars na sina Rafael Nadal at David Ferrer sa banta ng zika virus Brazil kung saan idaraos ang Rio Open ATP Tournament.
Ayon kay Nadal, lumalabas pa nga siya sa gabi upang kumain sa labas at mamasyal sa Rio.
Sinabi ni Nadaa na sadyang malas na lamang niya kung siya ay tatamaan ng sakit habang nasa Brazil.
Kumpiyansa naman si Nadal na ginagawa ng mga kinauukulan ang kanilang makakaya upang tiyakin ang kaligtasan at kaligtasan ng mga kalahok sa Rio Open Tournament.
Para naman kay Ferrer, nananatiling normal naman ang sitwasyon sa Brazil kahit pa may nagbabantang zika virus.
Matatandaang ang Brazil ang may pinakamaraming kaso ng zika virus.
By Ralph Obina