Humantong sa riot ang sale ng isang chocolate spread sa mga supermarket sa France.
Ayon sa ulat, naka 70 percent discount kasi ang palaman na Nutella.
Sinasabing kanya-kanyang unahan nang paghakot ng palaman ang mga mamimili na humantong na sa tulakan, sabunutan, suntukan at iba pa.
Matapos mauwi sa karahasan ang sale ng naturang sikat na chocolate spread, napilitan ang mga may-ari ng supermarket na magpatawag ng pulis.
Batay sa tala, nasa tatlongdaan at animnapu’t limang (365) milyon ng nutella ang nakokonsumo kada taon sa may isandaan at animnapung (160) bansa sa buong mundo.
—-