Patay ang dalawang preso at sugatan ang 12 iba pa sa isang riot sa NBP o New Bilibid Prisons.
Ibinunyag ito ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano at ang nasabing riot ay naganap nitong nakalipas na weekend sa maximum security compound.
Ayon kay Alejano nagsimula ang riot sa awayan ng Sputnik Gang at Batang Cebu na nag ugat sa droga.
Rumesponde naman umano ang apat na miyembro ng SWAT subalit hindi nakaubra matapos dumugin ng mga bilanggo.