Nagkasaksakan ang apat na high profile inmate sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP).
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na patay sa insidente ang high profile inmate na si Tony Co habang kritikal naman ang drug lord na si Peter Co.
Sugatan din sa insidente si Jaybee Sebastian at isang Vicente Sy.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nagsasagawa ng shabu session ang tatlong Chinese drug lords bago mangyari ang saksakan.
Ipinagpapasalamat naman ni Aguirre at buhay si Sebastian dahil sa ito aniya ang susi upang mapatibay ang pagkakasangkot ni Senadora Leila de Lima sa operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.
Matatandaang ang drug lord at gang leader na si Sebastian ay kabilang sa mga inimbitahan ng House Committee on Justice sa susunod na pagdinig nito ukol sa umano’y illegal drug trade sa Bilibid.
By Ralph Obina | Bert Mozo (Patrol 3)