Halos 500 ang sugatan nang tangkain ng mga pulis na harangin ang botohan para sa kalayaan ng Catalonia sa España.
Nanindigan ang Spanish government na pipigilan nito ang nasabing halalan na magugunitang idineklarang iligal ng korte.
Kinumpiska rin ng mga pulis sa Barcelona mula sa ilang botante ang mga balota at ballot box.
Gayunman, nanlaban ang mga botante at nauwi sa riot kaya’t pinagpapalo ang mga ito ng baton at ginamitan pa ng rubber bullets.
Samantala, inihayag naman ng Spanish Interior Ministry na 12 pulis ang nasugatan sa insidente at tatlo ang inaresto.
—-