Hihintayin pa ng Department of Health (DOH) ang pinakahuling risk assessment ng World Health Organization (WHO) bago tuluyang ipatupad ang total ban sa mga bumiyahe galing mainland China.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tanging mga byahe mula sa Hubei province ang nasa ilalim ng travel restrictions.
Inirekomenda naman ni Duque ang pagpapatupad ng temporary restriction sa mga babyahe mula Maynila papuntang Hubei.
Magugunitang ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng travel ban sa mga byahe mula Hubei province.