Palalakasin ng gobyerno ang risk based approach nito sa pag-detect ng COVID-19 case sa gitna na rin ng banta ng Delta variant ng Coronavirus.
Ayon ito kay Testing Czar Vince Dizon dahil limitado ang resources ng bansa na kailangan ding gamitin sa iba pang paraan para hindi kumalat ang virus tulad ng isolation, treatment at vaccination.
Sinabi ni Dizon na ang Delta variant ay hindi maaaring resolbahin sa pamamagitan ng isang strategy lamang.
Hindi aniya nangangahulugang naresolba ang problema sa Delta variant nang pagtataas ng test sa 1,000 kada araw kaya’t kailangan ang iba pang paraan at ikakasang strategy bunsod ng limitadong resources.