Ibinaba na sa high risk mula sa dating critical risk classification ang Pilipinas at National Capital Region (NCR).
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahit nananatiling mataas ang COVID-19 average daily attack rate.
Sa talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sinabi ni Duque na bumaba na rin ang two-week growth rate kaya’t may posibilidad na ibaba sa alert level 2 ang bansa, kabilang ang NCR.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng kalihim na tatalakayin pa nila sa inter-agency task force kung dapat nang ibaba sa level 2 mula sa kasalukuyang level 3 ang alert status sa Metro Manila.