Nananatili pa rin sa very high classification ang risk level ng Omicron variant ng Covid-19 sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit dalawampu’t isang milyong bagong kaso ng virus ang naitala na pinakamataas magmula ang pandemya.
Habang tumaas ng 5% ngayong linggo ang bagong nahawa sa virus kumpara sa 20% naitala nitong nakaraang linggo. —sa panulat ni Abby Malanday