Inamin ng beteranang aktres na si Rita Avila na minsan na itong muntik nang mag-ampon.
Ngunit hindi, aniya, natuloy ang pag-aampon nila ng kanyang asawang TV Director na si Erick Reyes dahil nagbago ang isip ng ina ng sanggol.
Kwento pa ni rita, wala silang balak mag-ampon; bagkus, may nag-alok lang.
Sinabi ni Rita na noong panahong iyon lang silang mag-asawa nagpasya na mag-ampon dahil sinisikap pa rin nilang makabuo ng sarili nilang anak.
Ngunit ngayong halos 50 anyos na si Rita, mas relaxed na aniya silang mag-asawa at bukas na ngayon sa posibilidad na mag-ampon.
By: Avee Devierte