Gagawing pangunahing isolation facility ng Department of Health (DOH) ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City sakaling may magpositibo sa monkeypox virus.
Nakikipagtulungan na ang Doh sa Field Implementation and Coordination Team (FICT) at ang One Hospital Command Center (OHCC) kaugnay hinggil sa naturang pasilidad.
Base sa Memorandum no. 2022-0220 o ang Interim Technical Guidelines for the Implementation of Monkeypox, magkakaroon ng surveillance screening, management, and infection control sa gitna ng ikinakasang 4-door alert system.
Ito ay para maiwasan at makontrol ang paglaganap ng nasabing sakit na mabilis makahawa kumpara sa iba pang virus.
Inatasan na rin ang mga ospital ng gobyerno na maglaan ng mga isolation at treatment facilities sakaling magkaroon ng aktibong kaso ng monkeypox virus.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng DOH ang sitwasyon ng naturang sakit sa buong bansa at sa buong mundo.