Lilimitahin muna ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa apat na lungsod sa Metro Manila ang tatanggapin nitong specimen para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.
Kasunod na rin ito ng pagiging positibo ng nasa 40 miyembro ng RITM staff sa COVID-19.
Sinabi ng RITM na naghinay-hinay sila sa kanilang operasyon simula ika-16 ng Abril hanggang ika-24 ng Abril.
Ayon sa RITM, tanging mga specimen mula Muntilupa, Paranaque, Las Piñas at Pasay lamang muna ang kanilang tatanggapin hanggang hindi pa bumabalik sa normal ang kanilang staff para mag-resume din ang kanilang regular operations.
Inire-refer naman ng RITM sa ibang subnational laboratories at COVID-19 partner laboratories ang ilang natanggap nilang specimen para hindi ma delay ang testing at pagpapalabas ng mga resulta.