May kapasidad na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na maka-detect ng kaso ng monkeypox.
Ayon sa RITM, io-optimize nila ang real time PCR testing para ma detect ang monkeypox virus at ang ikalawang PCR test ay para naman malaman kung anong organismo nabibilang ang naturang virus.
Ipinabatid ng RITM na tanging suspected cases lamang at yung mga sumunod sa lahat ng procedure para sa referral ang ipo proseso nila base na rin sa DOH memorandum.