Nagpatupad na ang Saudi Arabia ng lockdown sa Capital City nito na Riyadh.
Ibig sabihin nito ay pinagbabawalan na ang mga residente na lumabas ng kanilang bahay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang din sa isinailalim sa lockdown ay ang Islamic Holy Cities na Mecca at Medina.
Hindi na rin umano magpapasok sa tatlong nabanggit na lugar.
Umabot na sa mahigit 700 ang kaso ng COVID-19 sa Saudi Arabia at isa rito ang nasawi.