Opisyal nang deklarado bilang kapitolyo ng lalawigan ng Rizal ang Antipolo City.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act number 11475 na naglilipat ng capital at seat of government ng Rizal sa Antipolo City mula Pasig.
Nakasaad dito na itinuturing nang sentro ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ang Antipolo City kung saan kasalukuyang nakatayo ang kapitolyo ng probinsiya.
Magugunitang patuloy pa ring kinikilala bilang official capital at sentro ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ang Pasig City.
Ito ay bagama’t mahigit 40 taon na ang nakalilipas nang maging bahagi ang lungsod ng Metro Manila.
Taong 2009 naman ng buksan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa Antipolo City.