Tapos na ang mobile field hospital na Rizal Park Mobile Hospital sa Maynila.
Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) planning Chief Engr. Eduardo Villalon, sa halip ng inaasahang 60 araw na paggawa, natapos nila ito sa loob lamang ng limamput dalawang araw.
Naging mabilis aniya ito dahil sa tuloy-tuloy at maayos na koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at iba pang kumpanya.
Inaasahang makaka accommodate ang mobile field hospital na ito ng mahigit tatlong daang COVID-19 patient.
Layon aniya ng proyektong ito na madagdagan ang mga paggamutan sa mayinila na tumutugon sa pangangailangan ng mga COVID-19 patients.
Magugunitang nuong Abril, lumagda ang lokal na pamahalaan ng Maynila at Department of Tourism sa pamamagitan ng ndcp ng isang kasunduan para sa pagtatayo ng naturang pasilidad sa Burnham Green, Rizal Park.