Idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang lalawigan ng Rizal na avian influenza-free.
Ito’y sa ilalim ng Memorandum Circular no. 1.
Ayon kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, batay ito sa Article 10.4.6 ng World Organization for Animal Health (WOAH) Terrestrial Animal Health Code 2021.
Umabot ng mahigit 40 araw na rin ang lumipas mula nang matapos ang operasyon nang paglilinis at pagdi-disinfect na isinagawa alinsunod sa WOAH Terrestrial Animal Code. —sa panulat ni Jenn Patrolla