Tatlong linggo nang naka-alerto ang Rizal Provincial Police Office at mga Local Government Unit ng Tanay, Baras, Morong, Teresa at Rodriguez kontra sa urban poor group na KADAMAY.
Ito, ayon kay Dong Malonzo, officer-in-charge ng Rizal Provincial Housing and Resettlement Division, ay upang hindi ma-okupa ng mga miyembro ng KADAMAY ang mga pabahay ng National Housing Authority sa Rizal gaya ng ginawa nila sa Pandi, Bulacan.
Katunayan, nagpapatuloy anya ang pakipag-ugnayan nila sa mga pulis at pagmomonitor sa nabanggit na mga bayan.
Tiniyak ni Malonzo na hindi sila pumapalya sa pakikipag-usap sa N.H.A. Upang ilipat na ang mga lehitimong aplikante ng mga housing project.
Sa ngayon, wala pang mga pabahay sa Rizal ang iligal nang na okupahan ng KADAMAY at iba pang grupo.
By: Drew Nacino