Inaasahang mababawasan pa ang mga aksidente sa kalsada sa sandaling maisabatas ang Anti-Distracted Driving Bill.
Ayon kay Congressman Harlin Abayon, isa sa mga may-akda ng batas, 2014 pa nang ipasa nila ito sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Marami na anyang pag-aaral na magpapatunay na ang maigsing panahon na nawawala ang atensyon sa pagmamaneho ay nagiging sanhi ng aksidente tulad ng paggamit ng cellphone.
Batay sa datos ng National Statistics Office, mahigit sa 1,000 aksidente ang naitala mula 2010 hanggang 2012 dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Harlin Abayon
By Len Aguirre | Ratsada Balita