Ipinag-utos ng Commission on Elections o COMELEC ang pagbabawal sa konstruksiyon o maintenance ng mga kalsada at tulay na popondohan ng barangay sa loob ng sampung araw sa susunod na buwan.
Ayon sa COMELEC, ito’y dahil pasok ito sa election period ng barangay at Sangguniang Kabataan polls habang nakabinbin pa ang panukalang pagpapaliban sa halalan.
Batay sa COMELEC Resolution Number 10202, ang ban sa barangay-funded roads and bridges ay tatakbo mula Oktubre 13 hanggang 22.
Inilabas ng COMELEC ang resolusyon na may petsang Setyembre 26 kahit inaasahan na ng publiko na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang eleksiyon at sa halip ay idaos na lamang ito sa Mayo 2018.
—-