Nagkasa ng Road clearing operation sa dalawang lugar sa Nueva Vizcaya matapos maitala ang landslide bunsod ng pananalasa ng typhoon Karding.
Ayon sa mga otoridad, hindi madaanan ang Malico Road sa Malico, Santa Fe papuntang Pangasinan at Antutut Provincial Road sa Kasibu matapos gumuho ang lupa sa mga nabanggit na kalsada dahilan para suspindehin ang trabaho sa public offices sa Nueva Vizcaya.
Samantala, umabot naman sa 105 pamilya o katumbas ng 401 indibidwal ang inilikas at nananatili pa rin sa evacuation centers bunsod ng kalamidad.
Sa ngayon, namahagi na ng relief goods sa mga apektadong pamilya sa ibat-ibang evacuation centers ang pamahalaang lokal ng lalawigan.