Banggaan sa kalsada ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga kabataan sa Pilipinas.
Batay ito sa global status report ng World Health Organization (WHO).
Ayon sa WHO, nasa 35 katao ang namamatay araw-araw sa Pilipinas dahil sa road crash at nasa 300 naman ang nasusugatan.
Ilan sa mga inilatag na solusyon ng WHO ang paglalagay ng divider sa hati ng mga daan, paglalaan ng bangketa na daraanan ng tao at motorcycle lane.