Isinusulong ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng road diet para mapaluwag ang EDSA.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang road diet ay pagpapasikip ng lanes sa EDSA para makapagdagdag ng isa pang lane para mas maraming motorista ang makadaan.
Aniya, ibinase nila ang panukala sa pag-aaral ng world resources institute sa Tokyo, Japan na nagsasabing ang mga kalsadang may speed limit na 60 kilometer per hour gaya ng EDSA ay dapat may lawak na 2.8 meters.
Sa ngayon aniya ay 3.4 meters ang lawak ng mga lanes sa EDSA.
Ipinasa na ng MMDA ang naturang panukala sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para pag-aralan at aprubahan.