Ititigil muna simula ngayong araw na ito ang mga road project sa Metro Manila para bahagyang lumuwag ang daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos sa January 4, 2016 na itutuloy ang rehabilitasyon ng mga lansangan.
Pumapalo sa 146 na proyekto na kadalasan ay may kaugnayan sa drainage improvement works ng DPWH ang ipapatigil.
Kabilang dito ang reblocking projects sa EDSA at C-5 at maging ang restoration activities mula sa utility companies at mga paghuhukay sa mga kalsada.
Nilinaw naman ni Carlos na hindi kasama sa moratorium ang government flagship projects tulad ng Skyway Stage 3, Ninoy Aquino International Airport Elevated Expressway, North Luzon Expressway at South Luzon Expressway Connector.
By Judith Larino