(To be Updated)
Naaresto na ang pinaghahanap na road rage suspect na si Vhon Martin Tanto na sangkot sa pagpatay sa isang siklista sa Quiapo, Maynila.
Ayon sa report nahuli si Tanto ng mga miyembro ng Philippine Army sa Brgy. Poblacion Milagros, Masbate ngayong tanghali.
Dadalhin muna sa 9th Infantry Battalion sa Masbate si Tanto at doon ay ite-turn over siya sa mga miyembro ng PNP at dadalhin sa MPD.
Peaceful arrest
By Judith Larino
Hindi nanlaban ang road rage suspect na Army reservist nang maaresto ng mga awtoridad sa Masbate City.
Ayon ito kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brigadier General Restituto Padilla kasunod nang pagkakaaresto kay Vhon Martin Tanto na siyang bumaril at nakapatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde sa Quiapo, Maynila.
Sinabi ni Padilla na hindi na aktibong Army reservist si Tanto at Janaury 2015 pa ito huling nag-report sa Philippine Army.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla