Sasalang sa Preliminary Investigation ng Department Of Justice ang Road Rage Suspect na si Vhon Tanto.
Pinayuhan ni Attorney Trixie Cruz-Angeles si Tanto na pumirma ng waiver na nagbibigay pahintulot sa Manila Police District sa pagpapanitli ng kustodiya sa kanya.
Sa isinagawang Inquest Proceedings, iginiit ng testigong si Bryan Yu na si Tanto ang bumaril sa biktimang si Mark Vincent Garalde.
Naganap ang pamamaril matapos magsuntukan ni tanto at Garalde sa Quiapo noong isang linggo.
Nahuli si Tanto sa Masbate noong Biyernes.
By: Avee Devierte