Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) ang road rage suspect na si Von Martin Tanto.
Kaugnay ito sa kinahaharap niyang kasong murder at frustrated murder dahil sa pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde at sa pagkakasugat ng estudyanteng si Roselle Bondoc na tinamaan ng ligaw na bala.
Kasunod nito, pinatitiyak ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Manila Police District o MPD na malakas ang isasampang mga kaso laban kay Tanto.
Magugunitang naaresto si Tanto noong isang linggo sa Milagros, Masbate makaraan ang ilang araw na pagtatago nito mula nang mangyari ang krimen sa Quiapo, Maynila.
By Jaymark Dagala