Pansamantalang ipagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang roadwork repairs simula Nobyembre 5 hanggang Enero 14 ng susunod na taon.
Ito’y upang mabawasan ang epekto ng mga infrastructure project sa matinding traffic situation hanggang matapos ang holiday season.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, saklaw ng temporary prohibition ang lahat ng paghuhukay sa mga road right-of-way kabilang ang mga sidewalk, repair at improvement ng water pipes, drainage at telephone o telegraph wires.
Gayunman, nilinaw ni Garcia na hindi apektado ng moratorium ang mga malalaking proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.
—-