Asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila kahit weekend.
Ito ay dahil muling aarangkada ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at road reblocking sa mga pangunahing kalsada.
Kabilang dito sa mga gagawin ay ang tulay sa Brgy. Kapitolyo tatawid sa Pasig river patungo sa Bonifacio Global City, Flyover sa C5 patawid ng Julia Vargas, sa Katipunan Quezon City pakaliwa Ng C.P Garcia at sa Kapitunan pa rin mula Miriam College hanggang makalagpas ng Ateneo Gate 3.
Kasama rin sa sisimulan ngayong taon ay malaking proyekto ng bus rapid transport system sa gitna ng Quezon Avenue.
Kasabay ng lahat ng ito ang on going pa ring project tulad ng NAIA Expressway, Nlex – SLEX Connector Highway at Maysilo – Mandaluyong – Bluementritt Flood Interceptor Project.
By Rianne Briones