Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpuni ng mga kalsada sa kabila nang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
Subalit, nilinaw ni DPWH National Capital Region (NCR) District Engineer Ador Canlas na lilimitahan lamang nila ang pagkumpuni ng mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA, C5 at Roxas Boulevard na maituturing aniyang crucial sa delivery ng essential services sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Tiniyak ni Canlas ang quarantine protocols ng kanilang mga manggagawa na pagsusuotin nila ng personal protective equipment (PPE), bibilinang obserbahan ang social distancing at patitirahin pansamantala sa COVID-19 free facilities.
Sasamantalahin aniya nila ang pagkumpuni sa mga pangunahing kalsada sa NCR ngayong maluwag ang trapiko at mapapabilis ang trabaho ng kanilang mga tauhan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.