Ipatitigil na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang paghuhukay at pagkukumpuni sa mga kalsada sa kalakhang Maynila bilang paghahanda sa mas mabigat na daloy ng trapiko sa darating na Kapaskuhan.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jose Antonio Garcia Jr., kailangan itong gawin dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga motorista sa Christmas season.
Sinabi ni Garcia, sumang-ayon dito ang Department of Public Works and Highways o DPWH mga telecommunications company at iba pang mga pribadong kumpanya.
Epektibo ang pagpapatigil sa paghukay at pagkukumpuni sa kalsada sa Metro Manila simula Nobyembre 1 hanggang Enero 15 ng susunod na taon.
—-