Pinasinayaan na ng Land Transportation Office (LTO) ang kauna-unahang Road Safety Inter-Active Center (RSIC) sa bansa.
Tampok dito ang ilang driving simulators para sa manual at automatic na mga kotse, maging mga motorsiklo sa LTO main office sa Quezon City.
Layunin ng RSIC na isulong ang driver education sa pamamagitan ng modernong pasilidad kung saan maaaring mag-practice ang publiko na magmaneho gamit ang virtual reality.
Ang RSIC ay may kabuuang sampung istasyon gaya ng historical timeline, LTO artifacts, road safety campaigns, edutainment kiosk at ang 4D mini-theater.
Gayunman, wala pang itinatakdang petsa ang LTO kung kailan magbubukas sa publiko ang nasabing pasilidad.