Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat pa ring magpatuloy ang mga road safety programs hanggang sa susunod na administrasyon.
Kabilang sa mga programang ito ang road clearing operations at pagbabawal sa mga tricycle at pedicab sa National Highways.
Ayon kay Año, ang mga programang ito ay may layong makaiwas at mabawasan ang nangyayaring aksidente sa kalsada kasabay na rin ng nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes,
Paliwanag niya, hindi pwedeng ‘ningas-kugon’ o sa umpisa lamang magagaling ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga nabanggit na programa.
Aniya, karaniwan kasing tricycle at pedicab ang gamit ng mga estudyante sa pagpasok sa paaralan kaya dapay alam ng drayber ang kanilang mga limitasyon.
Paalala ng outgoing DILG chief, dapat gumawa pa ng batas ang mga bagong halal na opisyal na magtitiyak na ligtas ang mga kalsada sa tao lalo na sa mga bata.