Isinusulong ni Senator Loren Legarda ang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan ng tinatawag na road-sharing activities.
Ito’y bilang isang pamamaraan para mas maayos na pangangasiwa sa daloy ng trapiko at gayundin para maibsan ang polusyon sa hangin lalo na sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Legarda, Chairman ng Senate Committee on Finance, may probisyon sa 2016 budget na nagsasabing ang pondo para sa transport at traffic management ay maaari ring gamitin sa road-sharing.
Giit ni Legarda, panahon na para wakasan ang umiiral na car-centric approach na humihikayat para sa paggamit ng mga private vehicles.
Nagdurusa aniya ang mga pangkaraniwang mamamayan at walang ibang opsiyon kundi ang sumakay sa public transportation.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)