Aprubado na ng Metropolitan Manila Development Authority ang ilulunsad na ikalawang “kalye share” event sa Commonwealth avenue sa Quezon City, sa Linggo.
Isinusulong sa nabanggit na aktibidad ang road sharing scheme sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Pangangasiwaan ang “Kalye Share” ‘bayanihan sa daan movement, na isang grupo ng mga road sharing advocate mula sa private sector at ilang Non-Government Organization.
Magsisimula ang aktibidad alas-6:00 ng umaga sa quezon city memorial circle hanggang sandiganbayan kung saan 10 northbound lane ang gagamitin hanggang tanghali.
3 lane ng Northbound ang ilalaan para sa mga private car, 1 para sa mga motorsiklo, 1 express lane para sa mga bus at jeep;
1 loading lane para sa mga bus, 1 para sa mga jeep, 1 bike lane at pedestrian lane.
By: Drew Nacino