Ipri-prisinta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa taongbayan ang roadmap to recovery mula sa covid pandemic sa kanyang State of the Nation Address sa Lunes, July 27
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, i-uulat ng pangulo sa bayan ang epekto sa bansa ng pandemya at kung paano ito hinarap at tinugunan ng pamahalaan.
Ilalahad anya ng pangulo sa bayan ang mga plano kung paano babangon ang bansa mula sa pandemya.
Pisikal na magtutungo sa Batasang Pambansa ang pangulo para sa kanyang SONA sa harap ng pili lamang na mga miyembro ng Kongreso.